Written by Edgar Calabia Samar
Designed and illustrated by Borg Sinaban
2018 National Children's Book Awards, Best Reads for Kids
Bago naglaho si Janus habang naglalaro ng TALA, nakita ni Manong Joey sa utak nito ang hinahanap nilang paraluman. Sinundo ni Renzo si Mica sa Balanga para protektahan ito sa Angono at dahil may kaugnayan ito sa paralumang nakita ni Manong Joey kay Janus. Samantala, nasa Kalibutan pa rin sina Manong Isyo para hanapin si Mira na malamang na nakuha ng mga mambabarang. Walang kaalam-alam ang lahat kung nasaan na si Janus hanggang sa makita ni Manong Joey na humihiwalay ang anino ni Renzo sa katawan nito at maaaring matagal na pala itong ginagamit ng Tiyanak!
Additional Information
Ikatlong libro sa serye ng Janus Silang
ISBN: 978-971-508-622-6
Published: 2017
Language: Filipino
Age Recommendation: 14+
336 pages | 450 grams | 5.5 by 7.75 inches
Citation from the 2018 National Children's Book Awards:
Para sa matagumpay na panulat na pangkabataang nobela at disenyong panlibro na nakakapanghimok ng malikhaing pagbabasang malinaw na tumatahak sa kwento ng pakikipagsapalaran at paghahanap sa sarili ng tauhan—halaw sa mitolohiya at urban lore, gamit ang kontemporaryong wika at mga sandali—at mapanlarong pagsasanib ng sulat, komiks at chat sa texto na nakakapanghikayat ng malawig na gamit sa imahinasyon at diwa, at lamlamin ang pagbabasa bilang pang-araw-araw na aktibidad at pangangailangan ng isip at katawan...
—Rolando Tolentino